Saturday, March 13, 2010

Poll Automation??

Talaga bang, may poll automation, wla akong masyadong tiwala sa COMELEC, hindi nasusunod ang kanilang timeframe of activities para sa Elecksyon 2010. Nangangamba akong hindi magiging madali ang eleksyon, dahil sa mga disadvantages ng poll automation, palagi ding may brown out... baka maantala ang pagboto....

Noynoy? President?

Si noynoy ba ay gusto talagang mag presidente o di kaya'y napilitan lang na tumakbo dahil sa request ng mga tao. Kung hindi namatay ang kanyang ina ay tatakbo ba siya, nasa isip ba nya na tumakbo o sinunod lang nya ang pakiusap ng tao. Ikaw ba ay may paninidigan sa iyong mga desisyon.

Manny Villar? Presidente?

Tunay ka bang pusong mahirap o ginagamit mo lang ang mga mahihirap para ika'y iboto? Hindi ka ba kurakot kung umabot na sa isang bilyon ang iyong nagasta sa kampanya sa eleksyon, diba ikaw ay isang negostante, wala naman sigurong negosyante na malulugi sa kanyang investment. Ang punto ko ay babawiin mo rin ang iyong ginamit sa kampanya?? o mas may malaki pa itong tubo???

2010 Eleksyon Sa Pilipinas

Wala akong tiwala sa mga tatakbong presidente ngayon 2010 na halalan, pareho silang lahat na walang kakayahan na mamuno na may puso. Silang lahat ay pakitang tao lamang.

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More