Tuesday, October 11, 2011

Tutol ako sa RH Bill!

Ako ay isang Kristiyano at naniniwala sa Batas ng Dios. Alam kong lahat tayo ay ayaw maghirap, pero hindi natin pinagkakaila na isa sa mga dahilan ng ating paghihirap ay ang kawalang ng trabaho at pera. Sinasabing dahil din daw ito sa paglobo ng pupolasyon ng tao sa bansa. Kaya nga raw maroong pinapasang RH Bill. RH BIll - sulosyon nga ba? RH Bill lang ang sisira sa moralidad ng makabagong Pilipino. RH Bill lamang wawasak ng ating paniniwala sa Dios. Ito ang mabibigay daan ng kasamaan at kawalang ng respeto sa bawat isa. Mawawala ang pagpapahalaga sa sarili.

Tama ang simbahan hindi natinag sa mga pangako ng RH Bill, at lalong pinanindigan ang pagmamahal at pananalig sa Dios. Kung edukasyon ang problema tungkol sa tamang pagpalano ng pamilya at pagiwas sa premarital sex bakit hindi mag-isip ng makabagong istrehiya na makaka-agaw ng atensyon ng mga kabataan at mga mag-asawa. Hindi sulosyon ang RH Bill, dapat tayong mga kabataan ay wag padadala sa mga pangako ng RH Bill at mga taong nasa likod nito. Dapat tayong manindigan na hindi natin kailanga ng RH Bill. Ang kailangan natin ay mga tapat na mga leader sa Gobyerno, na hindi nagbubulsa ng pera sa kaban ng bayan. Sapagkat ang dahilan ng kahirapan ay hindi ang pagdami ng tao kundi ang kurapsyon, ito kumukuha na bilyon-bilyong pera sa kabang bayan at ginagamit ang pera para sa pansariling interes. Siguro ang mga taong nasa likod ng RH Bill ay ang mga kurakot, walang takot sa Dios at nawawalan na ng pagasa na maituwid ang maling systema ng ating gobyerno. 

Ako bilang isang kabataang Pilipino ay tumututol sa RH Bill, at sana yung mga kabataan na gustong maipasa ang RH Bill ay wag itong ipagpatuloy. Kung sino mn ang nakabasa nito ay magbigay na inyong reaksyon tunkol dito.  

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More